Kasapi ako sa SMP(Samahan ng Malalamig ang Pasko)

3 Jan

By: Maria Edfrel Haboc

 

Habang pinapanood ko ang video na ito ay napaawit ako at bigla kong naalala ang lungkot ng Pasko ngayon…

♫ Pasko na naman ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo
Bakit ba naman kailangang lumisan pa
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka ♫

Siya si Arnell Joel Madarang, kung tawagin ko ay “Hubby”. Ang aking nobyo na ngayon ay nasa Canada.

Malungkot ang aking Pasko ngayon dahil hindi ko siya kapiling sa ganitong malamig na panahon. Ang pinakamasayang okasyon na ipinagdiriwang dito sa ating bansa, kung saan ang buong pamilya at mga mahal sa buhay ay nagsasama-sama.

Siya ay mahigit tatlong taon nang nagtatrabaho sa Canada upang makatulong sa kanyang pamilya, mapag-aral ang kanyang mga kapatid at higit sa lahat ay makaipon para sa aming kinabukasan.

Isa lamang siya sa libu-libong OFWs na hindi nagkaroon ng pagkakataong makauwi sa Pilipinas ngayong Disyembre, at dumaranas na labis na lungkot sa pagiging malayo sa mga minamahal sa buhay.

Salamat na lamang at nariyan ang aking pamilya. Masaya pa rin sa kabilang dako ang aking pasko ngayon dahil narito at kapiling ko sila.

Nagkaroon ako ng pagkakataon na ipasyal sa shopping mall ang aking mga kapatid kasama ang aming minamahal na ina.

Lubos kong ikinagalak nang makita ang ngiti sa kanilang mga mukha matapos mabili ang kanilang mga bagong damit at iba pang  mga regalo. Ang sabi nga, ito ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ang “Pagbibigayan at Pagmamahalan”.

Inimbitahan naman ako ng pamilya ni Hubby sa kanilang tahanan para sa isang munting salu-salo, ako muna raw ang magsisilbing “proxy” habang ang kanilang anak ay wala rito sa Pilipinas.

Bagamat madalas naman kaming magka-chat at magka-text ni Hubby ay iba pa rin para sa akin na naririto siya sa aking tabi, magkapiling at sabay na ipinagdiriwang ang Pasko. Ito ang dahilan kaya naman ganoon na lang ang inggit na aking nararamdaman sa tuwing makakakita ng mga  magkasintahang naglalakad sa mga mall at sa mga park na magkahawak-kamay. Lagi kong naiisip, sana, nandito rin siya.

Ang aking tanong, kailan ko kaya maipagdiriwang ang Pasko kasama siya? Kailan kaya matutupad ang pangarap ko na makumpleto ang lahat ng mga mahal ko sa buhay sa tuwing sasapit ang Pasko?

Sana…. Sana… Malapit na…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: